UnionBank UShare
HomeAbout UsProjects & CampaignsTake ActionGalleryTestimoniesContact Us
Aigi's Story

Ako po si Celma Dula pangalawa sa walong magkakapatid, at labing siyam na taong gulang. Dati po mahilig ako magmura, palaaway, palasagot sa magulang, nananakit ng kapatid at mahilig tumamabay sa bangketa, natuto akong sumubok mag rugby upang kahit papano ay makalimutan ko ang problema at gutom na nararamdaman ko. . Ang aking mgamagulang ay palagi nag-aaway na nauuwi sa hiwalayan, ngunit nagbabalikan muli. Lumaki akong nakikitanag away-bati ang akingmga magulang kaya kaming mga magkakapatid din ay di nagkakasundo. Magulo rin sa aming lugar at napaka-ingay kaya pati isip ko ay nalilito kung ano ba ang tama at mali. Dahil dito, di ako makapag-aral ng maayos kaya huminto na lang ako sap ag-aaral mas minabuti ko na lang magbarkada kaysa manatili sa bahay. Minsan nang nag-iikot kami ng mga barkada ko ay nalaman naming ang tungkol sa Gala. Nung una ay nagustuhan lang namin dun dahil mababait sila at libre pagkain. Pero habang nakikilala ko ang Diyos ay mas natutunan kong magmahal. Rebelde po akong anak pero sa tulong ng paggabay ng mga tao sa Gala ay natutunan kong igalang at unawain ang aking mga magulang at nakababatang kapatid. Natuto ako magbasa ng Bibliya at magdasal. Nagpapasalamat po ako na nakapagtapos ako ng elementary, at mula sa public school ay nabiyayaan ako ng scholarship sa isang private school. Kung saan nagbukas ang Diyos ng maraming opurtunidad. Ako po ay na elect bilang isa sa Sepreme Student Government. Binigyan din ako ng pagkakataon ng Diyos na maglingkod sa kanya sa CCF Taytay bilang Sunday School Teacher .Nagpapasalamat din po ako sa Diyos sa pagkakataon na makapagturo sa mga street kids sa pamamagitan ng Mobile Gala.Taong 2013 Binigyan ako ng Diyos ng pagkakataon na ma nominate as Violate Richardson Awardee kung saan pinaparangalan ang mga kabataang babae na Tumutulong sa kumunidad.Nagpapasalamat po ako sa Panginoon sa talino na ibinigay niya sa akin na siya ko ring nagagamit at naipapasa Sa ibang scholar na mas bata sa akin sa pamamagitan ng pag tutor sa kanila sa araw-araw. Naging masigasig ako sa pag-aaral at ngayon ay nasa kolehiyo na dahil gusto ko pong makapagtapos at maging Isang guro . Ako rin po ngayon ay isa nang dgroup leader sa Elevate Binangonan. Alam ko na malayo pa ang aking tatahakin Subalit nagpapasalamat ako sa Diyos na hindi niya ako iniiwan at binababayan dahil nangoko siya na lagi niya akong sasamahan. Sa Diyos ang papuri!